KASABAY sa pagsisimula ng National Flag Days, na mula Mayo 28 hanggang ika-12 ng Hunyo, nanawagan ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan na magpamalas ng pagiging makabayan bilang pagbibigay karangalan sa bandila ng Pilipinas.
Paalala ni CSC Chairperson Karlo Nograles sa lahat ng civil servants sa buong bansa, ang paggunita sa National Flag Days ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat Pilipino na sama-samang alalahanin ang kahalagahan ng pambansang watawat.
“The Philippine flag is more than a symbol of independence. It represents the collective pursuit of Filipinos for freedom and national progress. As civil servants, let us lead by example in demonstrating our patriotism not only through words but through actions, starting with the simple act of respecting the flag,” pahayag pa ni Nograles.
Pagbibigay-diin ng CSC head sa mga government official at employee na mayroon silang sinumpaan na pagsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), kabilang ang patungkol sa “nationalism and patriotism.”
Sa ilalim ng CSC Memorandum Circular No. 19, s. 2012, sinabi rin ni Nograles na ang lahat ng government offices at educational institutions ay dapat magsagawa ng flagraising ceremony tuwing Lunes ng umaga, o kasunod na working day kapag ang Lunes ay naideklarang holiday, at flag lowering ceremony naman tuwing Biyernes ng hapon, o sa huling araw ng pasok sa bawat linggo.
Muli ring ipinababatid ni Nograles ang nilalaman ng R.A. No. 8491 (Flag and Heraldic Code of the Philippines), partikular ang nakasaad na “reverence and respect shall at all times be accorded the flag, the anthem and other national symbols which embody the national ideals and traditions and which express the principles of sovereignty and national solidarity.”
Sinasabi pa sa R.A. No. 8491 na ang bandila ay dapat nakadisplay sa lahat ng public buildings, official residences, public plazas, at institutions of learning kada araw sa buong taon.
“The flag ceremony shall be simple and dignified and shall include the playing or singing of the Philippine National Anthem, with the assembly standing in formation facing the flag,” ayon pa sa nasabing batas.
Sa pagsisimula pa lamang ng pambansang awit, ang bawat nakarinig o nasa lugar kung saan ginagawa ng seremonya ay dapat huminto, manatili sa kanilang pwesto at ilagay ang kanang palad sa kanilang dibdib.
Ang mga dumadaang sasakyan naman ay dapat huminto, ang mga may suot ng sombrero ay dapat itong tanggalin, habang ang nasa hanay ng military, scouting, security guard, at citizens military training uniforms ay kailangang sumaludo base sa regulasyon na kanilang sinusunod.
“Additionally, the law forbids any act or omission that mutilates, tramples, or casts dishonor or ridicule upon the flag. Using the flag as tablecloth, drapery, or covering for ceilings, statues, and other objects; displaying the flag under any painting or picture or below any platform; as well as wearing the flag, in whole or in part, as a costume or uniform, is not allowed. The law also prohibits adding any word, figure, mark, design picture, advertisement, drawing, or imprint of any nature on the flag,” atas pa sa RA 8491.
Mahigpit ding nitong ipinagbabawal ang “printing, painting, or attaching representations of the flag on handkerchiefs, napkins, cushions, and other articles of merchandise or using and displaying the flag as part of any advertisement or infomercial.”
Samantala, ilalim ng Presidential Proclamation No. 374 s. 1965, ang May 28 ng bawat taon ay idineklara bilang “National Flag Day” bilang paggunita sa unang paglaladlad sa bandila ng bansa matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang pwersa ng mga Espanyol sa tinaguriang Battle at Alapan, Imus, Cavite noong 1898.
Noon namang May 23, 1994, sa pamamagitan ng Executive Order No. 179, pinalawig ang pagdiriwang ng National Flag Day mula 28 May hanggang 12 June kung saan sa loob ng panahong ito, ang lahat ng government offices, agencies, at instrumentalities; gayundin ang mga business establishments, learning institution, at private homes ay hinimok na maglagay o buong pagmamalaking ipakita ang bandila ng Pilipinas.
