A view of Taal Volcano from Tagaytay, Batangas as it spew thick clouds of ash on January 13, 2020. Photo by Alecs Ongcal/Rappler
Ni LILY REYES
HINDI pa man ganap na humuhupa ang pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon sa Negros, nagbabadya naman ang pagsabog ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot sa 1,000 tonelada ng asupre ang isinuka ng bulkan kahapon ng madaling araw hanggang kinabukasan.
Sa kapal ng usok, halos balutin sa kadiliman ang mga bayan ng Alitagtag, Tingloy, San Nicolas, Laurel, Taysan. Lobo at Batangas City, ayon pa sa Phivolcs. Umabot din umano ang usok sa mga bayan ng Agoncillo, Lemery, Taal, Sta. Teresita, Cuenca, Lipa, Balete at Malvar.
Pahayag ng Phivolcs, bantay-sarado na sa ahensya ang Taal matapos magtala anila ng hindi pangkaraniwang dami ng asupreng binuga sa loob lang ng isang araw.
Base sa datos ng Phivolcs, nasa 8,000 tonelada ng asupre ang iniluwa ng bulkan sa mga nakalipas na buwan.
Gayunpaman, nilinaw ng naturang tanggapan ng pamahalaan na walang kinalaman sa aktibidad ng Taal ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Inaasahan naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang vog (volcanic fog) sa mga susunod na araw dahil sa mahinang buga ng hangin.
