BARYA-barya man ang tayaan, hindi biro ang ganansyang pumapasok sa sindikato sa likod ng mga illegal gambling operations sa lalawigan ng Batangas.
Sa laki ng kita, nagagawa ng tambalan nina Mike Romantiko at Sarhento Adlawan na busalan ang bibig ng mga mayor at maging ang mismong mga hepe ng lokal na pulisya.
Halimbawa na lang ang talamak na pasugalan sa Padre Garcia at Lipa City kung saan lantaran ang operasyon ng mga tutal nina Mike Romantiko at Sarhento Adlawan. Pati ang STL con BOOKIES at mga SAKLAAN nina alyas NONIT (na bilas ni Mike Romantiko), TISOY, at JEFF, walang mangahas na kumontra.
Katunayan, tikom ang bibig at tilaq walang nakikita pati ang mga alkalde ng mga naturang lokalidad… itanong mo pa kina Mayor Mayor Celsa Rivera mula sa bayan ng Padre Garcia at Mayor Eric Africa mula sa lungsod ng Lipa.
Ang masaklap, hindi limitado ang operasyon ng tambalan nina Sarhento Adlawan at Mike Romantiko sa Padre Garcia at Lipa. Ayon sa ating mga impormante, hawak ni Adlawan at Romantiko ang operasyon sa buong lalawigan.
Batay sa pagtataya ng mga grupong kontra sa salot na bitbit ng sindikato, hindi bababa sa P48 bilyon kada taon ang perang pumapasok kina Sarhento Adlawan at Mike Romantiko.
Pero hindi naman siguro lahat sa kanilang dalawa lang napupunta, lalo pa’t kilala si Sarhento bilang tagapagmudmod ng biyaya sa mga tiwaling opisyales sa pamahalaan – kabilang syempre ang mga kabarong pulis at mga politikong nasa pwesto.
Kabilang sa mga ipinagmamalaki ni Sarhento Adlawan si Calabarzon Regional Police Director Brig. Gen. Kenneth Lucas, Batangas Provincial Police chief Col. Jacinto Malinao na di umano’y kanyang inaambunan ng biyaya..
Kung totoo ang “pamamahagi ng biyaya” ni Adlawan, may basehan din naman pala ang yabang si Mike Romantiko na makailang ulit na nagsabing hindi kayang gibain ng kahit na sinong taga-media ang kanyang illegal gambling operation sa Batangas.
Bukod kina Gen. Lucas at Col. Malinao, kabilang din sa mga pinangongolekta ni Sarhento Adlawan ang Criminal Investigation and Detention Group (CIDIG) na nakabase sa Batangas, ang National Bureau of Investigation at pati ang Games Amusement Board (GAB).
Pati mga hepe ng lokal na pulisya sa Batangas, pasok di umano sa payroll ni Sarhento Adlawan.
But wait, there’s more. Sa sobrang talas ni Sarhento Adlawan, pati ang mga operator ng BOOKIES at SAKLA na sina Raffy, Nestor, Janog at Lito mula sa bayan ng Malvar, kinukunan ng lingguhang tara
Ang puesto pijo ni GLENDA, di pinalampas nik Sarhento.
Ang totoo, marami pang kinukunan ng lingguhang delihensya si Sarhento Adlawan – kahit pa may binibitawang pondo naman ang pakner niyang si Mike Romantiko.
Sa bayan ng Balete, sina Ocampo Deo at Jeff (na pawang empleyado di umano sa munisipyo ang operator ng BOOKIES sa nasabing bayan.
Sina Palacio, alyas Jap Reyes alyas Hapon at isang nagngangalang Manny naman ang mga salot sa likod ng BOOKIES sa bayan ng Calatagan, Talisay, Agoncillo, Alitagtag, Sta. Teresita, San Nicolas,Tuy, Lobo, Mabini.
Abangan ang kasunod na pasabog.
