Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI balakid ang edad kapag tumibok ang puso, ayon sa bantog na peryodistang kaibigan ni former President Rodrigo Duterte.
Sa pitak ni Ramon Tulfo sa pahayagang Abante, ibinisto ng kolumnista ang di umano’y relasyong higit pa sa magkaibigan na namagitan aniya sa pagitan ni Duterte a former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma.
Pag-amin ni Tulfo, nakausap niya minsan si dating Pangulong Duterte sa restaurant na kasama si Garma – “Isang araw nang binisita ko si Digong sa Davao City, pinakilala sa akin si Garma sa isang restoran. Naka-uniporme pa si Garma noon. Maraming girlfriend si Duterte na ipinakilala sa akin bilang malapit niyang kaibigan. Nang pumunta si Garma sa restroom ng restoran, sinabi ko kay Digong na nahalata ko na syota niya si Garma.”
Kwento pa ni Tulfo, mismong ang dating Pangulo ang umamin sa namamagitang relasyon kay Garma.
Isa aniya sa naging dahilan sa pagiging malapit sa isa’t-isa nina Duterte at Garma ang pagiging Bisaya nilang dalawa.
Sa himig ng pitik ni Tulfo, yun umano ang dahilan kung bakit tumanggi magsalita si former Davao Prison and Penal Farm warden Col. Gerardo Padilla nang sumalang sa pagdinig ng quad comm sa Kamara.
Kabilang ang Si Garma ay ginisa ng Kamara kaugnay sa koneksyon nito sa pagkamatay ng tatlong drug convicts na sina Chu Kin Tung, Lang Yan at Wong Meng Pin sa Davao Prison and Penal Farm sa Panabo, Davao del Norte kung saan naging OIC si Padilla.
