MATAPOS patawan ng anim na buwang preventive suspension si Energy Regulatory Commission chairperson Monalisa Dimalanta, agad na nagtalaga ang Palasyo ng kahalili sa naturang ahensya.
Setyembro 20 pa nang hirangin bilang officer-in-charge ng ERC si Jesse Hermogenes Andres. Pirmado na rin ni Executive Secretary Lucas Bersamin,” by authority of the President”, ang appointment paper ni Andres.
Bago pa man nagtalaga ng bagong ERC chairman, una nang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension ni Dimalanta dahil sa kabiguan aksyunan ang mga petisyon na inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc (NASECORE).
Batay sa utos ng Ombudsman, malakas ang ebidensya sa kasong Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service laban kay Dimalanta.
Bago pa man itinalaga sa pwesto, nagsilbi si Andres bilang member of the board ng Benguet Corporation na pasok sa pagmimina.
