SA pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 44th Asean Summit, kumbinsido ang pamunuan ng Kamara na lubos na makikinabang ang bansa sa isinusulong na adyenda ng Punong Ehekutibo sa pagpupulong ng mga lider mula sa mga bansang miyembro.
Partikular na tinukoy ni House Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Marcos para palakasin ang tinawag niyang digital connectivity at digitalization sa hanay ng mga bansa sa timog silangang bahagi ng kontinente para sa mas mabilis at matatag na pakikipag-ugnayan.
“This is not just about diplomacy and high-level discussions. The President’s push for stronger digital connectivity in Asean translates to real, tangible benefits for the Filipino people,” pahayag ni Romualdez.
“By fostering innovation and increasing access to digital markets, we are unlocking opportunities for local businesses, especially MSMEs, and creating new jobs for our workforce,” dugtong ng lider ng Kamara.
Sa plenary session ng 44th ASEAN Summit sa Laos, binigyan-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para sa makabagong digitalization na aniya’y pangunahing instrumento sa pagsusulong ng inobasyon, pag-unlad, at mga pagkakaroon ng mga bagong oportunidad.
Ayon kay Romualdez, ang pakikilahok ng Pangulo sa ASEAN Summit at adbokasiya para sa digital transformation ay pakikinabangan ng mga karaniwang Pilipino sa paraan ng paglikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo.
Para kay Romualdez, malaking bentahe digital connectivity para umarangkada ang ekonomiya ng bansa.
“The President’s vision of a digitally-connected Asean where innovation thrives and opportunities abound is fully aligned with our own national efforts,” anang House Speaker.
“In the Philippines, we have already taken significant steps to accelerate digitalization through key initiatives such as the E-Government Act, the Public Service Act amendments, and various infrastructure programs aimed at expanding broadband access to remote areas.”
Pagtitiyak ni Romualdez, suportado ng Kamara ang mga inisyatibang makakatulong sa pagpapaunlad ng 70 milyong micro, small, at medium enterprises (MSMEs) na kumakatawan sa 99 porsyento ng negosyo sa rehiyon.
