UMAASA si former Civil Service Commission (CSC) Chair Karlo Nograles na ang kanyang pagpasok sa Davao City mayoralty race ay makahihimok sa mga botante ng ng lungsod na gamitin ang kanilang karapatang lumahok sa 2025 mid-term polls.
“Please exercise your right to vote; please exercise your right to choose your leaders,” pahayag ni Nograles kaugnay ng mababang bilang ng mga Davaoeño bumoto noong nakaraang 2022 national and local elections kung saan nasa 25 porsyento ng kabuuang bilang ng mga botante ang hindi nagtungo sa polling areas.
“In 2022, the voter turnout in Davao City was just 74%, which means one in four voters did not cast their vote. That is significantly lower than the national voter turnout of 82.6%,” dugtong pa ng former congressman.
Ayon kay Nograles, nakababahala ang “kawalan ng interes” bumoto sa hanay ng mga residente ng kinagisnang lungsod .
“In Davao City, it appears people were not motivated to vote. Voter turnout in Davao City was even worse in 2019, when only 65% of voters cast their ballots, far lower than the 73% national voter turnout that year,” anang batikang lingkod-bayan.
“Baka hindi kasi ganado ang mga tao dahil walang bago, walang choice. Same same lang, kumbaga. Alam kong maraming tahimik na gustong bumoto, gustong magsalita, at gustong maging involved sa pagbabago. Pero siguro iniisip nila, worth it ba ang effort if pare-pareho lang ang mga pangalan sa balota?”
Bago pa man magpasyang balikan ang pulitika, nanungkulan si Nograles bilang kinatawan sa Kamara ng unang distrito ng Davao City sa loob ng siyam na taon bago hinirang sa Executive Department, na ang huli ay bilang pinuno ng CSC.
Sa kanyang pagkandidato bilang Davao City mayor, tiwala si Nograles na mas marami sa kanyang mga kababayan ang magiging mas aktibo sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.
“I hope running for mayor would encourage more of my kababayans to get involved in this election, because this time they have a choice, a chance to vote for someone other than the usual names na nakikita nila sa balota.”
“Ramdam ko ang excitement sa mga taga-Davao na kausap ko. Many want change and want to be agents of that change, kaya excited din ako. I’ve never been so engaged and eager to share my vision for the city, because I really believe that the people of Davao City are open to the idea of change for the better,” pahabol ni Nograles.
