NAGDADALAWANG isip ang gobyerno sa agarang pagkukumpuni ng mga imprastrakturang winasak ng mga nagdaang bagyo.
Pag-amin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kailangan isaalang-alang ang pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Partikular na tinukoy ni Marcos ang pahayag ng PAGASA hinggil sa dalawang tropical cyclone na inaasahang papasok sa mga susunod na araw — bukod pa sa mga bagyong posibleng tumama sa bansa sa mga nalalabing linggo ng kasalukuyang taon.
Aniya, nakakapanghinayang kung gagastusan ngayon ng pamahalaan ang pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura hangga’t patuloy pa ang pagpasok sa bansa ng mga mapaminsalang bagyo.
“Ngayon, sinasabi natin, mag-isip isip tayo kasi kung aayusin natin tapos sisirain na naman ng susunod na bagyo, sayang lang yung ating ginawa. So kailangan nating magplano,” wika ni Marcos.
Paliwanag ni Marcos, higit na angkop planuhin muna ng pamahalaan ang magiging tugon sa epekto ng climate change.
Batay sa aqbiso ng PAGASA, nakaamba na rin ang pagpasok ng bagyong Ofel at Pepito na papalit sa bagsik ng bagyong Nika. naka-monitor sa galaw ng Bagyong Nika.
“We have to watch the new one coming in. So that’s where we are now.”
