KUMBINSIDO ang pangunahing nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist na kailangan maging maagap ang pamahalaan para napipintong malawakang water crisis sa bansa – isang suliranin na kayang iwasan kung lilikha ng isang ahensyang walang ibang mandato kundi isulong ang seguridad sa supply ng tubig.
Hirit ni Brian Poe Llamanzares, Department of Water Management na mahalaga sa pagharap sa krisis sa tubig ng Pilipinas.
Sa kanyang research presentation, “A Governance Framework for the Philippine Water Security and Resource Management,” na ibinigay sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience, binigyang-diin ni Llamanzares ang kahalagahan magkaroon ng isang ahensyang mangangasiwa at mamamahala sa mga yamang tubig ng bansa.
Sa ilalim ng kasalukuyang istruktura ng pamahalaan, hindi bababa sa 30 ahensyang may kanya-kanyang antas, estilo, patakaran at regulasyon sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala.
Sa halip na maging epektibo, lumikha lamang aniya ng kalituhan ang magkaka-ibang polisiyang dahilan kung bakit wala pa rin long-term solution ang paulit-ulit na water crisis.
Para kay Llamanzares, hindi angkop ang “band-aid solution” ng iba’t ibang tanggapang binigyan ng pare-parehong mandato sa tuwing nagbabadya ang kapos na supply ng tubig para sa hindi bababa sa 110 milyong mamamayan.
Giit ng ng FPJ Panday Bayanihan first nominee, isang departamentong nakatuon lang sa pamamahala at pangangasiwa ng tubig para sa mas mainam na koordinasyon at epektibong pagtugon sa mga kumplikadong usapin ng tubig.
Dapat din aniyang isulong ang pagbuo at pagpapanatili ng dalubhasang ahensyang magbibigay-katiyakan ng sapat ng supply ng malinis na tubig saan mang panig ng bansa.
Una nang iminungkahi ni Senador Grace Poe, ina ni Llamanzares, ang paglikha ng Department of Water Resources, na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso. Hinikayat din niya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na maglabas ng executive order na magtatatag ng Water Management Office.
Sa datos ng National Water Resource Board, nasa 11 milyong pamilyang Pilipino ang pinagkakakitaan ng malinis na tubig, at umaasa lang sa mga balon, bukal, lawa, at tubig-ulan.
Ani Llamanzares, hindi na dapat ipag kibit-balikat lang ng pamahalaan ang isang suliranin na pwede naman aniyang maiwasan sa bisa ng agaran at sabayang tugon ng pamahalaan.
“We could have addressed the situation long time ago. With a sitting President whose top priority is food security, dapat samantalahin ng Kongreso ang batas na lilikha ng Department of Water Management para sa seguridad ng pagkain, pag-unlad ng bayan at pangkalahatang kagalingan ng bansa.”
