ANG pangunahing testigong nagsiwalat sa reward system sa madugong giyera kontra droga, na inakalang nasa kustodiya ng Kamara, nakalabas na pala ng bansa.
Pag-amin ng Philippine National Police (PNP), dinakip sa Estados Unidos si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at police colonel Royina Garma – bagay na kinumpirma naman ng Department of Justice (DOJ).
Sa impormasyong ibinahagi ng pambansang pulisya, Nobyembre 7 nang arestuhin sa San Francisco, California si Garma kasama ang isang Angelica Garma Vilela.
Gayunpaman, walang iba pang detalye kung paano at anong dahilan dinakip si Garma.
Samantala, inatasan na ni DOJ Secretary Crispin Remulla ang Bureau of Immigration na umpisahan na ang pagpapabalik kay Garma sa Pilipinas.
Higit na kilala si Garma sa pagngunguso kay former President Rodrigo Duterte sa pagdinig ng quad comm na nag-iimbestiga sa extrajudicial killings na naganap sa termino ng dating pangulo.
