HINDI pa man nahuhulusan ang mga motorista sa oil price hike na sumalubong sa unang linggo ng Enero, isang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ikinasa ng mga kumpanya ng langis sa Martes, Enero 14.
Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng tumaas hanggang 70 sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina, 75 sentimos sa diesel at kerosene.
Sa isang pahayag, isinisi naman ng DOE ang panibagong oil price hike pagbabawas ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries, malakas na ekonomiya ng Estados Unidos, mataas na demand sa Asya, at pagdedeklara ng state of calamity sa Amerika at Europe.
