PARA kay former Congressman Karlo Nograles, isang “wake-up call” ang resulta ng TomTom Traffic Index kung saan nanguna ang Davao City na talaan mga lungsod na pasok sa kategorya ng “worst traffic” sa Southeast Asia.
Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Nograles ang kahalagahan ng agarang solusyon sa aniya’y lumalalang problema sa daloy ng trapiko.
Bukod sa Southeast Asia, sikat din ang Davao City na nasa ikawalong pwesto ng world ranking ng “cities with worst traffic.”
“This alarming ranking is a wake-up call. If we do not address traffic now, it will only worsen as the city grows and develops. Coming up with traffic solutions must be a cornerstone of our city’s development agenda,” wika ni Nograles na nagsilbing chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Sinabi ni Nograles na ang traffic congestion sa Davao City ay hindi lamang pahirap, bagkus ito rin ay nagsisilbing sagabal sa paglago ng ekonomiya.
“When goods take longer to move, businesses lose money, and our productivity suffers. This issue affects every Dabawenyo, from commuters to entrepreneurs—mayaman at mahirap—and addressing it must be a top priority.”
Kumbinsido rin si Nograles na hindi simpleng problema ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod, kasabay ng giit na apektado rin ang pagpasok ng mga kapitalista, pagbubukas ng mga negosyo hanggang sa paglikha ng bagong trabaho.
“Traffic jams not only cost us time but also limit our city’s economic potential. Gusto natin mag-encourage ng investors para may maayos na trabaho para sa bawat Dabawenyo, pero mahihirapan tayo manghikayat ng mga negosyante kung alam nila na matindi ang problema ng traffic dito sa atin.
“Davao City deserves better. We need a City Hall that prioritizes easing traffic congestion because it’s directly tied to our quality of life and our city’s economic competitiveness,” dugtong pa ng beteranong lingkod-bayan.
Binigyan-diin ng longtime public servant ang pangangailangan na pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng short-term at long-term solutions para maresolba ang isyu sa trapiko ng Davao City.
“We must focus on both short-term relief and long-term solutions. In the short term, optimizing traffic flow with synchronized traffic lights, efficient traffic enforcement, and improved road infrastructure can help reduce congestion. We also need to explore innovative solutions, such as using technology for traffic monitoring and management, and incentivizing carpooling to reduce the number of vehicles on the road,” mungkahi ni Nograles.
Sinabi ng former legislator, na dati ring namuno sa House Committee on Appropriations, na sisiguruhin niya na magkakaroon ng kaukulang pondo ang lungsod para sa mas mahusay na traffic management nito, kabilang ang pagkuha ng mga tauhan para mapalawak ang kapasidad ng kanilang traffic management force.
Maglalaan din si Nograles ng badyet para makabuo ng public transport solutions at makapagpatupad ng urban planning initiatives, na layuning mabawasan ang dami ng mga sasakyan sa mga lansangan.
Paliwanag niya, ang “public transport is ultimately at the heart of the solution. Developing an affordable, reliable, and efficient mass transit system will not only reduce traffic but also make commuting more sustainable for Dabawenyos. A comprehensive approach to urban planning must be adopted in order to encourage active transportation like cycling and walking. This can be achieved by building dedicated bike lanes and safer pedestrian pathways so we can help reduce vehicle dependency.”
Base sa TomTom index, ang mga residente ng Davao City ay komukonsumo ng 33 minuto para sa sampung kilometro na pagbibiyahe. Sinabi rin sa TomTom report na 136 oras ang nasasayang o halos anim na araw kapag rush hours sa loob ng isang taon kung kaya ang lungsod ay tinaguriang ding ‘sixth worst in the world’. Hinggil naman sa congestion level, ang Davao City ay ranked third sa buong mundo, habang ang Manila ay rank 27th lamang. (Romeo Allan Butuyan II)
