HINDI na hinintay pa ni Transportation Secretary Vince Dizon ang anumang aksyon ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng viral video ng pananakit ng limang traffic enforcers sa isang magsasakang pinara sa checkpoint sa Panglao, sa lalawigan ng Bohol.
Ayon kay Dizon, tanggal na sa serbisyo ang limang LTO traffic enforcers na nahuli cam sa pagkuyog at pag-aresto sa isang magsasakang sinita sa operasyon.
“I would like to announce on behalf of the DOTr and LTO, we are, effective today, dismissing the law enforcers involved in the incident in Panglao, Bohol. They are hereby dismissed immediately,” wika ng Kalihim.
Nakuhanan ng video ang mga traffic enforcers na “inaresto” ang isang lalaking sakay ng motorsiklo sa bayan ng Panglao noong Pebrero 28.
Hagip din sa viral video ang panunutok ng patalim ng isa sa limang traffic enforcers na kumuyog sa biktimang may dalang itak.
Katwiran ng hindi biktima, isa siyang magsasaka kaya may dala siyang itak.
