
DALAWANG buwan bago ang takdang petsa ng halalan, ibinida ng Commission on Elections (Comelec) ang paglilimbag sa halos 54 milyong balotang gagamitin sa Mayo 12 ng kasalukuyang taon.
Sa datos na ibinahagi ni Comelec chairman George Garcia, pumalo na sa 53,894,129 (katumbas ng 76.58 percent) ang kabuuang bilang ng balotang nakaimprenta na.
Target ng komisyon tapusin ngayon buwan ang paglilimbag ng 72 milyong balotang gagamitin sa nalalapit na midterm election.
Garantiya ng Comelec chief, matatapos ang natitirang 16,338,956 balota bago sumapit ang Marso 20.
Ayon kay Garcia, 1.7 milyon ang iniimprenta ng komisyon kada araw. Magsasagawa naman aniya ng beripikasyon sa mga nalimbag na balota pagsapit ng Abril.