SA kabila ng pagtanggi ng Palasyo hinggil sa nakaumang na balasahan sa gabinete, isa pang Kalihim ang nakatakdang palitan matapos umanong magbitiw sa pwesto.
Ayon kay Undersecretary Claire Castro na tumatayong Palace Press Officer, tinanggap na rin umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resignation letter ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy.
“DICT Secretary Ivan John Uy’s resignation was accepted by the President today,” wika ni Castro.
“An OIC will fill the position until the President appoints a secretary,” dugtong ng Palace official.
Sa nakalipas na tatlong linggo, tatlong Kalihim ni Marcos ang nagbitiw, kabilang si Jaime Bautista ng Department of Transportation, Cesar Chavez ng Presidential Communications Office at si Uy.
Hindi na pinalawig ni Castro ang dahilan sa likod ng pagbaba sa pwesto ni Uy.
