POSIBLENG maranasan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ang matinding init sa antas na 50°C, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa datos ng state weather bureau, maglalaro sa 41°C ang heat index sa susunod na dalawang araw sa National Capital Region (NCR) habang posibleng pumalo sa sukdulang antas na 50°C sa ilang bahagi ng bansa pagsapit ng Abril hanggang Mayo.
Marso 26 nang opisyal na deklara ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-init.
Gayunpaman, nilinaw ng PAGASA na makakaranas pa rin ng mga pag-ulan bunsod ng pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin. (LILY REYES)
