HIGIT sa piso ang inaasahang ipapataw ng mga kumpanya ng langis sa presyo kada litro ng mga produktong petrolyo, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).
Sa pagtataya ng mga oil industry players, magpapataw ng karagdagang P1.35 ang presyo sa kada litro ng gasolina, habang P1.25 naman sa krudo at P1.20 sa kerosene.
Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, apektado ng tinawag niyang “global developments” — kabilang ang lumalalang hidwaan sa hanay ng mga tinatawag na oil-producing countries sa gitnang silangan ng Asya.
Nito lamang nakalipas na Martes, nagtaas ng halagang P1.10 ang presyo kada litro ng gasolina.
