SA gitna ng nakaambang kasong obstruction of justice kaugnay ng umano’y pagtulong sa pagtakas ng isang pugante, mas pinili ni Senador Robin Padilla itatwa ang kaalyadong mambabatas na target ng manhunt operation. Ayon kay Padilla, hindi na niya nakausap pang muli si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos umanong makisakay palabas ng senado noong madaling araw ng Mayo 14. “Wala na. Naku, panibagong kasama na naman, wala na. Tuwing meron ngang lumalapit sa aking bald [kalbo] natatakot ako na baka piktyuran ako, sabihin kasama ko na naman si Bato,” wika ni Padilla sa isang pulong-balitaan. “Wala na po. Noong bumaba sa sasakyan ko si Bato, wala na po. Break na kami,” dugtong ng dating artista. Araw ng Martes nang tanggapin ni Padilla ang subpoena na ipinadala ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong “obstruction of justice” na inihain laban sa kanya ng Philippine National Police. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation BARMM election tuloy-na tuloy na – Comelec