PUMALO na sa 77 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa trahedya sa karagatan ng Coron, Palawan, batay sa datos ng Coron Municipal Health Office.

Partikular na tinukoy ng lokal na pamahalaan ang mga biktimang binawian ng buhay matapos masunog ang MV June Aster isang linggo na ang nakaraan.

Samantala, patuloy ang isinasagawang search and retrieval operation ng Philippine Coast Guard sa 12 nawawalang sakay ng naturang barko. Nasa  43 naman ang kumpirmadong nailigtas mula sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *