SA pamamagitan ng tinatawag niyang ‘guerilla-style’ na pangagampanya sa iba’t-ibang lokalidad sa bansa, naging mainit ang pagtanggap ng mga Cebuano kay reelectionist Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pag-ikot sa vote-rich Cebu province.
Kabilang sa mga pinasadahan ni Dela Rosa ang bayan ng Argao, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Consolacion, Dalaguete, Moalboal, Toledo City at Barili.
Lubos ang pasasalamat ng Mindanaoan lawmaker sa inorganisang ‘boodle fight’ ni Argao Mayor Allan Sesaldo at iba pang mga kaalyado nito kung saan marami ring mamamayan ng nasabing bayan ang nakisalo.
Matapos ng naturang aktibidad, buong tapang na inihayag ni Sesaldo ang matibay na suporta ng kanyang buong partido sa reelection bid ni Dela Rosa sa nalalapit na May 12 polls.
Sinamantala rin ng ng mga residente ng Lapu-Lapu City, Consolacion, Dalaguete, Moalboal, Toledo City at Barili sa pagkakataon makipag ”selfie” sa reelectionist senator na dating nagsilbing hepe] ng Philippine National Police (PNP).
Binahay-bahay rin ni Dela Rosa ang Cebu City para kamustahin ang hanay ng senior citizens sa Barangay Mabolo.
“Hand to hand combat campaigning at Mabolo, Cebu City with Mayor Mike Rama and Barug Party,” sambit ni Dela Rosa sa naging pangangampanya sa nabanggit na lungsod.
Sa Mandaue City naman, malugod ding sinalubong si Dela Rosa ng grupo ni Mayor Jonas Cortes, na kinabibilangan ni Atty. Regal Oliva, na kandidato para sa congressional seat ng naturang siyudad.
