BILANG bahagi ng layuning lutasin ang problema ng kagutuman at malnutrisyon partikular sa hanay ng mga kabataan, nais ni former Civil Service Commission (CSC) Chair at Davao City mayoralty candidate Karlo Nograles na magpatupad ng programang libreng almusal sa mga pampublikong eskwelahan ng lungsod.
Para kay Nograles, lubhang nakababahala ang ulat na 27.3% ng mga pamilya sa Mindanao ay nakakaranas ng pagkagutom sa nakalipas na tatlong buwan.
“The hunger rate in Mindanao is now as high as the national average. That means more than one in four families are going hungry—and we are seeing it here in Davao. This is not just statistics. This is a daily reality for too many of our fellow Dabawenyos,” wika ni Nograles kaugnay ng datos ng Social Weather Station (SWS).
Ayon kay Nograles, na nagsilbi ring pinuno ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, ang kahirapan at kagutuman ay dapat na ituring na ‘urgent local priorities’ at hindi lamang dapat aksyunan ng national government.
“We see children going to school without breakfast. Workers report to their jobs on empty stomachs. Families are skipping meals to make ends meet. No city can claim to be future-ready if its people are hungry,” dagdag ng abogado at lingkod-bayan sa loob ng mahabang panahon.
Bunsod nito, sinabi ni Nograles na kanyang isusulong ang pagkakaroon ng ‘free daily breakfast program’ sa public schools ng Davao City, na bukod sa pagresolba sa pagiging salat sa pagkain at nutrisyon ay makakatulong din para mapabuti ang pag-aaral ng mga kabataang Dabawenyo.
“Nutrition is linked to everything—education, productivity, health. Giving students a nutritious breakfast every morning is one of the simplest, smartest things we can do. This program can improve attendance, reduce dropout rates, and help children focus and thrive in school,” paglalahad pa ng mayoralty candidate.
Paliwanag ni Nograles, ipatutupad ang ninanais niyang programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod direkta sa mga local farmers at kooperatiba upang masiguro na bukod sa masustansya ay mula mismo sa lungsod lamang at tiyak ang suplay ng mga ihahaing pagkain.
“This is a win-win for our communities. We feed our children, we support our farmers, and we strengthen our local economy,” diin ni Nograles.
Sinabi naman ng naging three-term Davao City congressman na malugod din niyang tatanggapin ang pakikipagtulungan ng civil society at iba pang private organizations.
“We should be open to all proposals that promote health and nutrition, especially among children. A healthy Davao is a more productive and more united Davao. Food security must be a cornerstone of our city’s future.”
