HINDI bababa sa pito katao ang kumpirmadong namatay habang nasa 17 iba pa ang sugatan sa panibagong insidente ng karahasan sa loob ng isang paaralan sa South Cotabato.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), naganap ang insidente sa Banga National High School dakong ala 1:30 ng hapon, Setyembre 18.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kabilang sa mga binawian ng buhay bunsod ng tama ng bala ang isang guro, limang ka-eskwela at ang mismong gunman — isang grade nine student na itinago sa pangalang Ryan.

Sa isang panayam sa radyo, ibinahagi ni Banga Mayor Albert Deocades ang resulta ng pagsisiyasat ng lokal na pulisya.

Aniya, pag-aari ng ama ng suspek ang 9mm pistol na ginamit sa pamamaril sa loob ng eskwelahan. Sa imbestigasyon, lumalabas na isang empleyado ng Department of Education (DepEd) regional office ang ama ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *