SINIBAK sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PMGen. Anthony Aberin si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Melecio Buslig Jr

Nakasaad  sa report na nakarating sa Camp Crame, na epektibo  ng Abril 21 ang administrative relief kay Buslig.

Dahil dito, pansamantalang hahalili kay Buslig si PCol. Randy Silvio, ang Deputy District Director for Administration ng QCPD

Gayunman, walang inilabas na detalye hinggil sa dahilan ng pagkakasibak ni Buslig bilang hepe ng naturang distrito.

Una nang nag-viral sa social media ang ginawang illegal entry, pang-aabuso at harassment ng isang lasing na pulis-QC laban sa isang babae.

Sa isang pahayag, nanindigan ang NCRPO na walang puwang sa kanilang hanay ang mga abusado. (LILY REYES)

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *