PUMALO sa mahigit isang libong sasakyan ang hindi nakapasa sa pagsusuri ng Land Transportation Office (LTO) sa larangan ng “road worthiness,” ayon kay Assistant Secretary Vigor Mendoza.
Para kay Mendoza na tumatayong hepe ng LTO, hindi umano katanggap-tanggap ang dami ng mga sasakyang nagbabadya sa kaligtasan ng mga mamamayan sa kalsada, kasabay ng garantiya sa paglalaba ng show cause order laban sa mga may-ari ng 1,165 sasakyang lagpak sa roadworthiness test.
Gayunpaman, nilinaw ng LTO chief na bibigyan pa rin ng LTO ng pagkakataon ang mga may-ari ng mga hindi pasadong sasakyan para magpaliwanag.
Kabilang sa nakaambang kastigo ng ahensya ang pagbasura sa certificate of registration (CR) at rehistro ng mga naturang sasakyan.
Pangako ng opisyal, hindi umano ikokompromiso ng ahensya ang kaligtasan sa kalsada. (LILY REYES)
