SINIBAK sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PMGen. Anthony Aberin si Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Melecio Buslig Jr Nakasaad sa report na nakarating sa Camp Crame, na epektibo ng Abril 21 ang administrative relief kay Buslig. Dahil dito, pansamantalang hahalili kay Buslig si PCol. Randy Silvio, ang Deputy District Director for Administration ng QCPD Gayunman, walang inilabas na detalye hinggil sa dahilan ng pagkakasibak ni Buslig bilang hepe ng naturang distrito. Una nang nag-viral sa social media ang ginawang illegal entry, pang-aabuso at harassment ng isang lasing na pulis-QC laban sa isang babae. Sa isang pahayag, nanindigan ang NCRPO na walang puwang sa kanilang hanay ang mga abusado. (LILY REYES) Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 14 EMBO schools isyu ni Abby sa halalan? Sasakyang lagpak sa road worthiness, lagot sa LTO