PARA kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dapat isailalim ng Philippine National Police (PNP) sa drug test ang drayber ng Pangasinan Solid North bus na sangkot sa trahedyang ikinasawi ng 10 katao sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).
Sa isang kalatas, ipinaliwanag ni Dela Rosa na obligasyon ng PNP tupdin ang probisyon sa ilalim ng Republic Act 10586 na mas kilala sa tawag na Anti-Drunk and Drugged Driving Act.
Partikular na tinukoy ng senador na nagsilbing hepe ng pambansang pulisya, ang pagsalang sa drug test ng driver na kinilala sa pangalang Teodoro Merjan y Silvallana.
“Attention all drivers and PNP personnel: In relation to that vehicular accident that claimed many lives wherein the driver refused to undergo a drug test. The driver should not refuse and the PNP should insist to subject the said driver to a drug test under this existing law,” wika ni Dela Rosa.
Paliwanag ng Mindanaoan lawmaker, sa ilalim ng naturang batas ay maaari rin parusahan ang drayber na tatanggi sumailalim sa mandatory field sobriety at drug tests, partikular ang pagkumpiska at automatic revocation ng driver’s license nito.
Sinabi rin ng reelectionist senator na maging sa Section 6 ng RA 10586 ay isinasaad na dapat i-drug test ang drayber kung mayroong nakitang probable cause ang traffic officer laban sa un ana pagmamaneho nang nasa ilalim ng impluwensiya ng droga o alak.
Ginawa ni Dela Rosa ang paalaala makaraang ihayag ng PNP Tarlac provincial police na tumanggi si Merjan na sumailalim sa drug test screening matapos ang nangyaring malagim na insidente.
