USAP-USAPAN sa hanay ng mga mambabatas ng mataas na kapulungan ang napipintong paghalili ni Senator-elect Vicente Sotto III bilang Senate President, kapalit ni Francis Escudero.
Pag-amin ni Sotto, may mga kapwa senador na kumakausap na umano sa kanya para maging Senate president sa darating na 20th Congress.
Gayunpaman, nilinaw ni Sotto na tatanggapin niya ang hamon muling pamunuan ang senado sa kung mayroon nang 13 senador ang lalantad para suportahan ang kanyang pagbabalik sa pinakamataas na pwesto ng naturang sangay ng kongreso.
“Yes, yes. I would be lying if I said no. May mga kumakausap sa akin… mga tatlo, apat kausap ko. Ganoon lang. And they’re saying that their peers are ready to support me. Sabi ko naman, if we have 13, I will accept,” wika ni Sotto sa isang panayam.
Taong 2018 hanggang 2022 nang manungkulan si Sotto bilang Senate President.
Samantala, nagkibit-balikat lang ni Escudero. Aniya, hindi siya nag-aalala sa posibilidad na tanggalin ng mga kapwa mambabatas bilang senate president.
“It’s not a question of hoping; it’s a question of reality.”
