HINDI na nakapalag ang isang security guard matapos dakpin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong qualified human trafficking na inihain laban kay former presidential adviser Harry Roque at 49 iba pa.
Sa kalatas ng CIDG, kinilala ang security guard sa pangalang “Mariano na umano’y nakaduty nang maganap ang human trafficking sa Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator na nakabase sa Porac Pampanga.
Bago pa man dinakip si Mariano, una nang dinakma ng Philippine National Police (PNP) si Cassandra Ong na isa umanong “incorporator ng sinalakay ng POGO firm.
Patuloy naman nakikipag-ugnayan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Police Organization (Interpol) para sa ikadarakip ni Roque na umano’y nasa bansang Netherlands.
Panawagan ni CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III sa iba pang akusado, sumuko na sa pamahalaan bago pa man matunton ng mga tracker team na inatasan sa pagtugis. (EDWIN MORENO)
