SA pag-upo ni Gen. Nicolas Torre III bilang ika-31 hepe ng pambansang pulisya, asahan ang balasahan sa hanay ng kapulisan.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, kabilang sa mga posibleng bigyan ng sensitibong pwesto si Brig. Gen. Jean Fajardo na kasalukuyang tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Nang hingan ng kumpirmasyon sa usap-usapang pagtatalaga kay Fajardo bilang director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), hindi isinantabi ni Torre ang posibilidad.
Aniya, mas makakabuting hintayin na lamang ang lalabas na anunsyo sa mga susunod na araw.
Sa nakalipas na tatlong taon, makailang ulit na nagkasama sina Torre at Fajardo sa magkakahiwalay na operasyon kabilang ang pagdakip at pagbibitbit kay former President Rodrigo Duterte sa The Hague para harapin ang kasong crimes against humanity na isinampa ng pamilya ng mga pinaslang sa bisa ng giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon. (EDWIN MORENO)
