PATAY ang 22-anyos na delivery boy makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti kasunod ng tampuhan sa pagitan nilang magkasintahan.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 1:20 ng madaling araw nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng silid sa Barangay Nagkaisang Nayon sa Novaliches, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon, bago ang insidente ay tumawag ang kasintahan ng biktima sa nanay nito at sinabing puntahan ang anak nito sa kanyang silid. Agad namang nagpunta ang nanay sa silid at doon ay bumungad ang malamig na bangkay ng biktima.
Hinala ng mga awtoridad posibleng nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kasintahan na humantong sa pagpapatiwakal ng delivery rider. (LILY REYES)
