LUMIKHA ng matinding pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA matapos magliyab ang isang gasoline station sa Barangay Bagong Barrio sa lungsod ng Caloocan.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection BFP), partikular na tinukoy ang biglang pagliyab ng Caltex gasoline station sa panulukan ng EDSA at Kalye Urbano Plata.
Gayunpaman, hindi pa matiyak ang sanhi ng sunog na umabot lang sa unang alarma.
Sa video na lumabas sa Facebook social media platform, hagip ng uploader ang makapal na usok at mataas na apoy mula sa loob ng gasolinahan habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid.
Agad namang rumesponde ang mga bombero at emergency responders sa lugar para apulahin ang apoy. (LILY REYES)
