Kinalampag ng mga kabataang aktibista ang embahada ng China para kondenahin ang panibagong insidente ng karahasan sa West Philippine Sea. (Larawan ni Itoh Son)
PARANG kabuteng sumulpot ang bugso ng mga kabataan sa harap ng Chinese Embassy sa Makati City para kondenahin ang panibagong panunuwag sa Bajo de Masinloc sa Zambales.
Kasabay ng kilos protesta, nanawagan din ang grupong Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement para sa patuloy na pagtindig para hindi lamang sa kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy kundi maging sa paghahari-harian ng China sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive zone.
Partikular na tinukoy ng mga aktibista ang insidenteng naganap noong Agosto 11 kung saan muling binomba (gamit ang water cannon) ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard na naglalayag sa Bajo de Masinloc para maghatid ng pagkain, tubig at gamot para sa mga sundalong Pinoy na nasa barko ng BRP Sierra Madre.
Kinondena rin ni FDNY convenor Giselle Albano ang anila’y “fake news” na pinapakalat ng China kaugnay ng nasabing insidente.
Panawagan ng grupo sa China, kilalanin ang 2016 Arbitral Tribunal Ruling at itigil ang “bullying” at “harassment” sa West Philippine Sea.
