MAS magiging epektibo ang giyera ng pamahalaan kontra katiwalian kung bibigyan ng sapat na proteksyon ang mga maglalakas-loob isiwalat ang anomalya kaugnay ng ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang pahayag, hinikayat ni Bacolod City Rep. Albee Benitez sa Department of Justice (DOJ) na protektahan ang mga testigong magpapatunay sa maanomalyang flood control projects ng DPWH.
Para kay Benitez, higit na angkop maging handa ang DOJ na protektahan ang mga opisyal at empleyado ng DPWH at iba pang personalidad na titindig sa korte.
Makabubuti rin aniya kung sisimulan na ng DOJ maghanap at mangumbinse ng mga testigo para ganap na panagutin ang mga nasa likod ng kontrobersiya.
“Pagkakataon na ito para maisiwalat nila ang katotohanan,” wika ni Benitez.
“The fight to bring to justice those who endanger the lives of our people will be long and hard. But it is something that we cannot set aside if we wish to change things for the better—to have public infrastructure that takes no shortcuts and does not jeopardize life and safety, to have government processes that are free from corrupt practices, and to put fear in the hearts of those who would corrupt the system for material gain,” dugtong ng kongresista.
Muli rin kinalampag ni Benitez si DPWH Sec. Manuel Bonoan na akuin ang responsibilidad sa palpak na programa, kasabay ng hirit na pairalin ang delikadesa sa paraan ng pagbibitiw sa pwesto.
