SA paghupa ng pananalasa ng bagyong Tino sa mga lalawigan na bahagi ng Central Visayas region, 188 katao ang kumpirmadong nasawi base sa datos ng Office of Civil Defense (OCD).
Patuloy naman ang search operation sa 135 indibidwal.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 96 katao ang sugatan sa bagsik ng bagyong Tino.
Nasa 2,258,782 katao (katumbas ng 635,565 pamilya) ang apektado ng kalamidad sa naturang rehiyon. Sa naturang bilang, 397,634 katao ang lumikas sa kani-kanilang tahanan.
Nasa 9,321 kabahayan ang bahagyang napinsala, habang 264 naman ang hindi na pwedeng tirahan.
Sa pagtataya ng pamahalaan, P10.6 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura habang P6.3 milyon naman sa imprastraktura. Samantala, hindi pa pwedeng daanan ang 74 road sections at 10 tulay bunsod ng inanod na putik.
Nananatiling suspendido ang klase sa 707 lugar. (EDWIN MORENO)
