MATAPOS ang limang taon, patuloy na naninindigan ang hanay ng magsasaka laban sa anila’y gawa-gawang kaso laban sa kapwa magbubukid na si Amanda Echanis.
Sa isang kilos-protesta sa harap ng punong tanggapan ng Department of Justice sa lungsod ng Maynila, hinikayat ng grupong Amihan National Federation of Peasant Workers ang administrasyong Marcos na wakasan ang pagdurusa ng mga magsasakang biktima ng gawa-gawang kaso.
Partikular na tinukoy ng naturang grupo ang asuntong illegal possession of firearms and explosives na inihain laban kay Echanis matapos dakpin buwan ng Disyembre ng taong 2020.
Bukod sa hirit na kalayaan para kay Echanis, hinikayat din ng mga militanteng magbubukid ang gobyerno na ipalit ulo na lamang umano ang mga tiwali sa pamahalaan.
“We demand Amanda’s release on humanitarian grounds. After five years of incarceration, our call for her unconditional and immediate release is legitimate as she was a victim of political persecution by the past regime.”
Para sa nasabing grupo, biktima lamang anila si Echanis ng berdugo ng nagdaang administrasyon. (JULIET PACOT)
