PUMALO sa 1,468,228 ang kabuuang bilang ng aplikasyon sa voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec) batay sa consolidated data mula Oktubre 20, 2025 hanggang Enero 25, 2026.
Sa naturang bilang, 691,855 ang kalalakihan habangt umabot naman sa 776,373 ang babaeng aplikante
Pinakamataas ang bilang ng mga nais lumahok sa halalan mula sa Calabarzon region na may 284,933 voter registration applicants.
Nasa malayong ikalawang pwesto naman ang National Capital Region (NCR) na nagtala ng 166,457 applications.
Kasama sa bilang ang mga kabataang nais maghalal ng mga lider para sa Sangguniang Kabataan na may edad 15 hanggang 17 at regular applicants para sa registration, transfer, reactivation, correction of entries at iba pang updates.
Garantiya ng poll body, isasailalim sa wastong proseso ang mga isinumiteng aplikasyon. (JULIET PACOT)
