TULUYAN nang kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng nasa 50 partylist groups bunsod ng pagkatalo o kabiguan lumahok sa nakalipas na dalawang halalan, alinsunod sa electoral performance requirements na nakapaloob sa batas na lumikha ng partylist system. Ayon sa Comelec, nanguna sa mga partylist groups na hindi na pwede lumahok sa mga susunod na halalan ang militanteng Bayan Muna. Pasok din sa mga inekis na partylist groups ang Boses (dating Mocha); Buhay Hayaan Yumabong (Buhay); Magdalo Para Sa Pilipino (Magdalo); Democratic Independent Workers’ Association (DIWA); at Hugpong Federal Movement of the Philippines Inc. (Hugpong Federal). Paglilinaw ng Comelec, layon ng poll body bigyan ng pagkakataon ang representasyon sa Kongreso ang iba pang sektor. Gayunpaman, walang binanggit ang poll body hinggil sa mga partylist groups na ginagamit na instrumento ng mga politikong kabilang sa tinaguriang political dynasty. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Sandro Marcos binuking sa P30 billion infra pork barrel