“IT is time to pass a Magna Carta for Barangays.” Ito mensahe ni House Speaker Faustino Dy III, sa pagsulong ng tinaguriang ‘long-overdue measures’ na magbibigay-daan sa Magna Carta for Barangays.
Para kay Dy, ang mga barangay official ay tunay na frontliners ng gobyerno at marapat lang bigyan ng dignidad bilang bahagi ng tinatawag na “institutional support.”
Sa kanyang pahayag sa House Committee on Local Government – Subcommittee on Local Officials and Personnel, pinasalamatan ng lider ng Kamara ang mga kasaping nagsumikap upang agad na matugunan ang mungkahing Magna Carta, kabilang ang House Bill 3533 na kanyang iniakda.
“Bilang isang dating Barangay Captain, sa barangay po ako nagsimula sa serbisyo publiko. Bilang dating mayor at gobernador, lalo pong tumibay ang aking paniniwala na ang barangay officials ang tunay na frontliner ng ating pamahalaan,” wika ng longtime public servant.
“The first responders. The first point of contact. The ones on the ground. Sila ang unang nilalapitan kapag may problema, unang kumikilos kapag may krisis, at kadalasan, sila rin ang huling umaalis pag tapos na ang problema.”
Ani Dy, malawak at mabigat ang responsibilidad ng mga opisyal ng barangay dahil sila ay gumaganap sa trabaho kapwa ng executive, legislative, at judiciary.
Sinabi ng Isabela province lawmaker na ang barangay officials sa bawat komunidad sa bansa ay nagpapatupad din ng mga programa ng gobyerno, bumabalangkas ng mga ordinansa, namamagitan sa magkabilang panig at katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa nasasakupan.
“No other level of government is as close to the daily lives of ordinary Filipinos,” paglalarawan pa ni Dy sa mga opisyal ng barangay.
Sa ilalim ng panukalang Magna Carta, bibigyan ng mas magandang compensation at benefits ang mga punong barangay, kagawad, SK officials at maging ang mga barangay personnel — bukod pa sa basic services.
Bahagi rin ng panukala ang pagkakaroon ng mga kaukulang pasilidad gaya ng barangay halls at health centers; at mekanismong magpapatatag sa barangay bilang institusyon.
“This bill is about giving our barangay leaders the dignity and recognition they deserve,” Dy said, stressing that barangay officials are not merely implementers of policy but vital partners in solving the country’s most pressing problems,” paliwanag ni Dy.
“Kapag pinalakas natin ang barangay, mas nararamdaman ng taumbayan ang gobyerno.”
Tiwala ang lider-kongresista na pagtitibayin ng 20th Congress ang panukalang batas na magbibigay ng malaking kapakinabangan sa mga barangay, komunidad at bahagi rin ng adhikain ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (ROMER R. BUTUYAN)
