NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas kilala bilang “Miss Glenda,” para sa kanyang buhay sa Intensive Care Unit (ICU), nakakabit sa mga makinang tumutulong sa kanya para mabuhay matapos ma-stroke at magkaroon ng pneumonia.
“Last year po nasa ICU ako, nag-aagaw buhay. Iyong mga anak ko umiiyak po sa akin. And I almost gave up. Nasabi ko ayoko na po, ayaw ko na po talaga,” wika ni Miss Glenda sa panayam ni Ogie Diaz.
“Nagsimula siya sa pneumonia. So yung lungs ko po, napapalibutan siya ng phlegm. And then after four days, na-stroke po ako. Then iyon na po, nag-worsen po iyong condition ko,” dagdag niya.
Sa isang punto, nagsulat pa siya ng liham sa kanyang pinsan upang ipahayag ang kanyang kagustuhang sumuko na sa laban.
Ngunit nang dalawin siya ng mga anak sa ospital, muling nabuhay ang kanyang kagustuhan mabuhay.
“So the moment na pag-alis ng mga anak ko, nagsabi na po ako na ilipat niyo po ako sa mas malaking hospital,” wika niya, sa pagsasabing naantala ang kanyang paglilipat dahil kinailangan pang lumagda ang kanyang mga kamag-anak sa ilang dokumento dahil delikado ang proseso ng paglilipat sa kanya sa ibang ospital.
Ngayong binigyan siya ng tinatawag niyang pangalawang buhay, sinabi ni Miss Glenda na napagtanto niyang may mas malaking layunin pa siya.
“I think, after everything that happened to me, parang siguro po sinasabi Niya sa akin na hindi ka pa pwedeng mag-give up kasi ang dami pang umaasa sa iyo,” wika niya, bilang pagtukoy sa kanyang mga mahal sa buhay at sa mahigit 1,000 manggagawa sa Brilliant Skin Essentials — ang kumpanyang itinayo niya mula sa wala, mula sa pagiging ordinaryong manggagawa hanggang sa pagiging matagumpay na negosyante.
“I have 1000 employees, can you imagine kung sumuko ako? Pag na-down ako? Maraming family na maapektuhan. Meron po ako mga empleyado na mga hindi nakakapagsalita, hindi nakakarinig. May mga kapansanan na sinabi nila sa akin noon na ako lang yung tumanggap sa kanila. So, kung mawawala po yung Brilliant Skin Essentials, parang mawawala na din yung purpose ko,” sabi niya.
Ngayong desidido na siyang harapin ang mga hamon at kontrobersiya, sinagot niya ang mga paratang laban sa kanya, gaya ng mga kumakalat na tsismis na siya umano ang money launderer ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
“Nagulat po ako kasi after two weeks of my vacation na sobrang jetlag pa ako, biglang may lumabas po na blind item na sinasabi po nila na there’s a possibility that Miss Glenda is linked with Zaldy Co because she went to Portugal,” paliwanag niya.
Sinabi ni Miss Glenda na hindi niya kilala at hindi pa niya kailanman nakita si Co, at iginiit na ang kanyang pagiging bilyonaryo ay bunga ng maraming taong pagsusumikap at pagpapaunlad ng kanyang negosyo.
“Ilang taon na po yung paratang sa akin. Kasi ayaw po nilang maniwala na possible na sa isang skincare pwede ka talagang kumita nang malaki. So sinasabi nila na kaya ako nakaka-afford ng ganitong lifestyle kasi money launderer na po ako,” paliwanag niya.
Habang patuloy ang kanyang paggaling, sinabi ni Miss Glenda na nakatuon siya ngayon sa kanyang kalusugan, pamilya, at mga negosyo, at iginiit na sulit ang kanyang naging desisyon na ipaglaban ang kanyang buhay. (JULIET PACOT)

Super proud po kami sayo Madam. Nandito lang kami palagi na sumusuporta sa’yo. ♥️✨
The best ceo
Miss Glenda, thank you for not giving up, for your family, for your health, and for all of us who depend on your leadership. Your strength, courage, and heart inspire us every day. 💖✨
Hindi ka papabayaan ni God at patuloy ka Niya gagabayan sa lahat ng laban mo. Lagi kaming andito sa’yo. 💛✨
Fighting lang, Madam! 💪 Hindi ka papabayaan ni God at patuloy ka Niya gagabayan sa lahat ng laban mo. Lagi kaming andito sa’yo. Nakakahanga ka at isa kang strong, inspiring, at mabait Grateful kami sa’yo at deserve mo lahat ng blessings at biyaya ng Diyos ✨🙏🏻
Madam, laban lang po. Marami pong nagmamahal sa inyo at naniniwala sa inyo. Nandito lang kami always supporting you. 💪❤️
Not just a great CEO, but also someone with a genuinely good heart. Nakaka-inspire po kayo, Madam. 💖
Go go Miss Glenda! Kasama mo kami sa laban! ❤️
Keep fighting madam ♥️
Sobrang layo na ng narating mo madam, ngayon ka pa ba susuko. Forever Grateful kami dahil sa’yo! 💎❤
Iba ka talaga, ikaw ang nag iisang CEO namin❤️
Grabe iyong hirap na tiniis niya, para sa pamilya at para maraming pamilyang umaasa sa kanya.She truly deserves a second chance at life and many blessings.
Madami ka pang matutulungan madam, laban lang. Madami kami nag mamahal sayo.
Nakaka-inspire, kahit anong hirap ang sakit ang pinagdaanan patuloy pa rin lumalaban, nagsikap at nagtiwala sa diyos, para maabot ang tagumpay
Sobrang layo na ng narating mo madam, ngayon ka pa ba susuko. Laban lang!❤️
“We are very proud of you for everything you’ve been through and for everything you have achieved.” 👏💎♥️💪
We are so proud of you Madam Glenda Deserve mo lahat ng meron ka <3
Malayo na pero malayo pa! 💎♥️
Stay strong, Miss Glenda—saludo kami sa tapang mo.💖