BILANG bahagi ng paghahanda para sa paglalakbay para sa taunangHajj Pilgrimage sa bansang SaudiArabia, binakunahan ng Department of Health (DOH) ang nasa 5,0000 debotong Muslim.
Sa isang kalatas, binigyang halaga ng ahensya ang kaligtasan ng mga Pilipinong tagapanalig ng rehiliyong Islam.
Ayon sa DOH, mahalaga ang pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng milyon-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang sa mga iturok ang bakuna kontra meningococcal disease, na isa sa pangunahing health requirements para sa mga pupunta sa naturang pagtitipon.
Hinimok din ng ahensya ang deboto na tiyaking kumpleto ang kanilang bakuna at sundin ang mga health advisory upang maiwasan ang pagkakasakit habang nasa ibang bansa.
