LILIPAD patungong Czech Republic ang Team Philippines sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) sa mga susunod na araw para sa proseso ng mga dokumento ng pagpapauwi kay dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
Ito ang kinumpirma ni Justice Sec. Fredderick Vida kasunod ng umano’y pag-aresto kay Co sa naturang bansa.
Target ng grupo ni Vida makipag-ugnayan sa Czech Ministry of Justice kaugnay sa sinasabing hawak na ng pulisya si Co, na una nang inanunsyo at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Garantiya ng kalihim, tatalima ang Pilipinas sa mga batas sa naturang bansa kaugnay sa posibleng pagpapauwi kay Co sa Pilipinas.
Gayunpaman, kumpyansa ang DOJ chief ang na walang magiging aberya sa kabila ng kawalan ng katiyakan sa sinasabing pag-aresto sa dating mambabatas.
Ilan anya sa mga posibilidad na gamiting pamamaraan ay deportation o kaya ay extradition para mas mabilis na maibalik ito sa Pilipinas.
Hindi naman masabi ni Vida kung gaano katagal ang magiging proseso ng pag-uwi ni Co.
