“HINDI lang pating ang nakita natin. Balyena ho ang nalambat namin doon sa P6.77 billion na pinag-uusapan.”
Ito ang mariing tugon ni House Committee on Public Accounts Chair at Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon sa paratang na isang ‘fishing expedition’ lamang laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio ang impeachment hearings na isinagawa ng House Committee on Justice.
Giit ni Ridon, walang bago sa alegasyon ng bise presidente partikular ang sinasabing ‘fishing expedition’ umano ng House Justice panel, kasabay ng giit na ang nabunyag na bilyong-bilyong bank transactions matibay dahil detalyado financial trail.
“The figures cited in the hearings demonstrate that the inquiry is far from speculative, countering repeated claims by the defense that the proceedings were merely exploratory,” diin ng kongresista.
“Hindi ito haka-haka. Ito ay base sa mga dokumento at record na inilatag sa pagdinig,” dagdag ni Ridon, na isang abogado at miyembro ng House Justice panel.
Sa salaysay ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa nakaraang clarificatory hearing ng Justice committee, nalantad ang P6.77 billion total bank transactions ng bise-presidente at asawang si Atty. Manases Carpio.
Sa naturang halaga, P4.4 billion ay tinatawag na inflows o ang pumasok sa bank accounts at P1.5 billion ang outflows o lumabas subalit wala sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mag-asawa, bukod pa ang sinasabing P2.8 billion balanse sa kanilang accounts.
Mariin ding itinanggi ni Ridon na giit ng kampo ni Duterte na depektibo ang impeachment complaints, na inilarawan niya bilang recycled issue at walang matibay na ebidensya.
“Hindi po totoo na defective ang impeachment complaints. Isang buwan na ho nilang inuulit-ulit iyan,”
