HINDI pangkaraniwan sa isang mataas na opisyal ng gobyerno ang magbanta sa buhay ng isang pangulo, ayon sa isang batikang abogado.
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Atty. Lorna Kapunan ang hayagang pagbabanta ni Vice Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Kumbinsido rin ang beteranong abogado na dapat sumailalim sa psychiatric evaluation ang si VP Sara.
“Ang tawag ko dyan noon lutang. Because if you are a sitting public official, you do not threaten. Maski na sabihin nila exaggerated naman ‘yan eh, hyperbole naman ‘yan eh. Hindi po, wala kayong karapatan,” paliwanag ni Kapunan.
“Public officials ay walang karapatan na mag-hyperbole o mag-exagge. Because you are the leader of the people. You are public officials and you are accountable for what you do,” giit pa niya.
Sa kanyang pagdalo sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City, sinabi ni Kapunan na bukod sa legal na argumento, dapat ding tignan ng sambayanang Pilipino ang karakter at pag-uugali ng mga opisyal ng pamahalaan, lalo na ang isang naghahangad ng maging presidente.
“Tignan rin natin apart from all of these legal arguments, tayong taong bayan, tingnan natin ang demeanor, ang conduct ng isang presidente—ang vice president na gustong maging presidente,” sabi ng kinikilalang legal practitioner.
Mariing ipinunto ni Kapunan na walang puwang sa hanay ng public office ang anumang pagbabanta lalo’t inaasahan sa bawat public official ang pagkakaroon ng mataas na pamantayan.
Mismong ang National Bureau of Investigation (NBI) ang nagkumpirma na authentic, hindi nabago o na-edit at hindi isang AI-generated ang live stream video ng bise presidente na ginawa noong Nobyembre 2024.
“Siguro, paalala ko lang, sinabi sa House Committee hearing, i-subject naman dapat ang VP to psychiatric evaluation. Iri-repeat ko ngayon, hindi natin kailangan ang isang lutang na Presidente or any public official.” t
