KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sinapit ng pitong tripulante ng isang container ship matapos maglunsad ng drone attack ang Iran sa Strait of Hormuz noong Martes.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tatlo sa pitong Pinoy na sakay ng CMA CGM San Antonio ang kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa hindi tinukoy na bansa hindi kalayuan sa lugar ng insidente.
Paglilinaw ng Kalihim, ligtas na ang kondisyon ng mga naturang biktimang tripulante subalit kailangan pa rin aniyang obserbahan.
“Because mayroong explosion on board ‘yung drone attack, mayroong burns, at gas inhalation in the process. Tatlo in more serious condition na mino-monitor din natin ngayon,” dagdag pa niya.
Sa kaugnay na balita, ligtas nang nakaalis sa Strait of Hormuz ang mahigit 1,300 Pilipinong tripulante na sakay ng iba’t ibang sasakyang dagat. Gayunpaman, libo-libo pa rin umano ang stranded sa Persian Gulf.
