INAMIN ng isang opisyal sa Palasyo ang ugnayan sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng spcoa; media personality na inaresto kamakailan bunsod ng umano’y tangkang pangingikil kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, totoong nagsilbi bilang social media director ni Marcos si Franco Mabanta.
Gayunpaman, nilinaw ni Castro na ang ugnayan sa pagitan nina Marcos ay Mabanta at tumagal lang ng anim na buwan noong taong 2018.
“Wala namang nagde-deny na naging social media director ng Pangulo itong si Franco Mabanta. We’re talking of now,” tugon ni Castro nang usisain ang ugnayan ng Pangulo kay Mabanta.
Nag-ugat ang isyu bunsod ng inilabas na larawan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa social media. Sa naturang mga litrato, nakitang magkasama sina Marcos, Mabanta at maging si First Lady Liza Araneta Marcos.
Ayon kay Castro, ang mga nasabing larawan ay hindi sumasalamin sa kasalukuyang panahon, kasabay ng giit na hindi naging magkaibigan ang pangulo at ang naturang social media personality.
