HINDI man nagtagumpay sa unang pagkakataon, kumpyansa ang National Bureau of Investigation (NBI) na madarakip anumang oras mula ngayon si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Pag-amin ng isang mapagkakatiwalaang source sa NBI, ikinakasa na ang plan sa pagsisilbi ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa nabanggit na senador, matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ni SDela Rosa.
Araw ng Lunes nang tangkain ng mga operatiba ng NBI arestuhin si Dela Rosa sa bisa ng ICC warrant. Gayunpaman, nagawang makapiglas ng senador na mabilis na nanakbo patungo sa session hall ng senado.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Senate protective custody ang mambabatas na nagsilbing chief implementer ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nagdaang administrasyon.
Kasama ng NBI sa paglalatag ng ‘plano’ ang Department of Justice at iba pang law enforcement agencies.
