PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 8876, na naglalayong palawigin ang bisa ng Professional Identification Cards (PIC), na isyu ng Professional Regulation Commission (PRC) sa limang taon mula sa umiiral na tatlong taon.
Sa botong 266, pinal na naaprubahan ang HB 8876 sa tulong at gabay nina House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.
Sa isang kalatas, binigyan-diin ni Dy at Marcos na ang naturang hakban ay bahagi ng pagsusumikap ng Kamara na makatuwang sa modernisasyon ng iba’t-ibang proseso ng gobyerno at gawing mabilis at madali ang pagtugon sa regulatory requirements.
Dagdag ng House majority leader, ito’y katuparan din sa matagal nang panawagan ng mga propesyonal para sa “simpler, less costly and more efficient renewal system.”
“Our professionals deserve a government that values their time and hard work. This measure cuts red tape, reduces unnecessary expenses, and makes public service more responsive to the realities faced by millions of Filipinos,” wika ni Marcos.
Giit ng Ilocos Norte solon, mababawasan din ang dagsa ng marami sa PRC renewal systems at appointment slots habang napapanatili pa rin ang professional standards and regulatory safeguards.
“This is a straightforward but meaningful reform. Instead of forcing professionals to repeatedly go through the same process every three years, we are giving them more time to focus on their careers, their families and their service to the country,” aniya pa.
Sa panig ni Leyte Rep. Martin Romualdez, isa sa pangunahing may-akda ng naturang panukala, target bf HB 8876 maibsan ang hirap ng milyong-milyong Filipino professionals sa pagpapa-renew ng PRC ID, kasama na ang mabawasan ang kanilang gastos para dito.
“Extending the validity of PRC identification cards from three years to five years would allow professionals to focus more on their work, families, and public service rather than repeatedly going through renewal processes,” ayon pa sa former House Speaker.
“Layunin ng panukalang ito na bawasan ang pasanin ng ating mga propesyonal. Kung mas mahaba ang validity ng kanilang PRC IDs, mas makakapag pokus sila sa trabaho, pamilya, at mas produktibong paglilingkod sa bayan,” dugtong ng Visayan solon.
“Ang panukalang ito ay pagkilala sa sakripisyo at ambag ng ating mga propesyonal. Sa mas mahabang validity ng PRC IDs, mas mabibigyan sila ng ginhawa at sapat na panahon para sa kanilang propesyon at trabaho,” ani Romualdez.
Paglalarawan nina Romualdez at Marcos, isang “major win” para sa milyon-milyong Filipino professionals ang pinagtibay na HB 8876 na layon din tuldukan ang red tape sa PRC ID renewal.
