SA gitna ng kabi-kabilang pasaring, walang plano magbitiw sa pwesto bilang Senate President si Senador Alan Peter Cayetano — maliban na lang kung makakakuha ng 13 boto ang minorya sa mataas na kapulungan.
Ayon kay Cayetano, na hindi kailangan magbitiw ang namumuno sa senado pero kailangan muna aniyang kumalap na sapat na bilang para mapatalsik ang liderato.
“Inuulit ko po ha, kapag may trese, automatic hindi ko kailangan mag-resign. Sa inyo na,” wika ni Cayetano.
“In fact, tinitingnan ko lang day by day, week by week lang na matuloy lang itong mga hearing at maumpisahan lang. Baka iyon lang ang trabaho ko, I’d be more than content to go,” dugtong ng beteranong mambabatas.
Mayo 11 ng iniluklok sa pwesto sa bisa ng 13 boto si Cayetano, kapalit ni dating Senate President Vicente Sotto III.
