KAPWA sumadsad ang net satisfaction rating ng dalawang kapulungan ng Kongreso, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa datos ng SWS, bumaba sa +11 ang net satisfaction rating ng Senado. Bahagya rin sumadsad sa +13 ang Kamara sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026.
Sa naturang panahon,, 42 percent ng mga Pilipino ang “satisfied” sa performance ng Senado, habang 31 porsyento naman ang “dissatisfied.” Ang nalalabing 26 percent, pasok sa kategorya ng “undecided.
Sa panig ng Kamara, 42 percent ang “satisfied” sa performance, habang 29 porsyento ang “dissatisfied.” Sa ilalim naman ng “undecided” ang nalalabing 27 percent.
Ayon sa SWS, bumaba ang net satisfaction ng Senado sa lahat ng lugar maliban sa Mindanao, habang bahagyang tumaas naman ang Kamara sa Mindanao ngunit bumaba sa Balance Luzon at Metro Manila.
