SINIMULAN na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagsisiyasat sa pagkamatay ng dalawang atleta mula sa isang kilalang unibersidad sa bansa.
Batay sa inisyal na pagsusuri ng CIDG, lumalabas na posibleng pinahirapan ang dalawang miyembro ng Ateneo men’s basketball na sina Divine Adili at Rene Clert Baterbonia na kapwa lumahok sa isinagawang “team-building” sa lalawigan ng Aurora.
Sa isang press briefing, inamin ni CIDG Director Robert Morico II na maingat na sinusuri ng mga imbestigador ang anggulo ng hazing sa pagkamatay ng dalawang atleta.
Una nang iginiit ng lokal na pulisya sa nasabing probinsya na nalunod sina Adili at Baterbonia.
